Home » News » News Roundup » Teacher timbog sa rape

Teacher timbog sa rape

Arestado kahapon ang isang 28 taong gulang na physical education teacher na humalay umano ng kanyang estudyanteng babae sa Parañaque City kamakailan.

Ayon kay Chief Insp. Rolly Santiago, hepe ng Parañaque police City Hall Detachment, ang suspect ay nahuli sa loob ng isang convenience store sa Valley 1, Parañaque.

Naaresto ang suspek pagkatapos magsampa ng reklamo ang ina ng biktima sa Mayor’s Action Team. Salaysay ng biktima, 15, siya ay ginahasa ng suspek ng tatlong beses mula Pebrero hanggang Marso ng taon na ito.

Nalaman lamang ng ina na ginahasa ang kanyang anak pagkatapos makabasa ng mga text messages sa kanyang cellphone ngayong buwan na ito. (Jean Fernando)

comments