Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 drug pushers laglag sa patibong

4 drug pushers laglag sa patibong

SUBIC BAY FREEPORT – Apat na katao ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA-3) nang makumpiska sa kanila ang P300,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation na isinagawa sa 13B Mango Drive, Binictican, dito, noong Linggo.

Kinilala ni PDEA Region 3 Director Emerson L. Margate ang mga dinakip na sina Lucky A. Mangohig, 34; Jomel E. Mangohig; 36; Ronnel D. Salvador, 23; at Ariane A. Aguilar, 27, mga residente ng Olongapo City.

Ayon kay Margate, nagawang makipagnegosasyon ng PDEA poseur-buyer sa mga suspek para bumili ng 100 gramo ng shabu sa halagang P180,000.

Pumayag ang mga suspek na i-deliver ang droga sa ganap na ika-5 ng gabi sa Barangay Binictan, Olongapo City, kung saan sila tuluyang dinakip ng PDEA agents.

Bukod sa P300,000 halaga ng shabu, nakuha rin sa mga suspek ang isang Black Ford Escape, mga BDO passbook at deposit slips, at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa PDEA jail sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga. (Franco G. Regala)

comments