Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Batangas village councilor pinaslang

Batangas village councilor pinaslang

MABINI, Batangas – Patay ang isang kagawad ng barangay nang pagbabarilin ng lalaking nakamotorsiklo sa Barangay San Jose ng bayang ito noong Lunes.

Base sa police report, pumanaw ang biktimang si Nemesio C. Castillo, 56, habang nilalapatan ng lunas sa Mabini General Hospital dahil sa tama ng mga bala sa katawan.

Binaril ang biktima ng di kilalang lalaki gamit ang isang 9mm pistol bandang 5:30 p.m. Tumakas ang salarin sakay ng motorsiko patungong Barangay Majuben sa bayan ding ito, ayon sa mga testigo.

Nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang walong basyo ng bala sa lugar ng insidente. Patuloy ang imbestigasyon na isinasagawa ng pulisya para malaman kung sino ang may kagagawan at ang motibo ng pamamaslang. (Danny J. Estacio)

comments