Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Drug suspect dedo sa shootout

Drug suspect dedo sa shootout

CAMARINES SUR – Isang drug suspect ang napatay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na sumalakay sa bahay ng umano’y No. 1 drug personality sa Gawad Kalinga, Barangay Telegrapo, San Jose, bandang alas-4 ng hapon noong Lunes.

Kinilala ang napatay na si Roy Abragan, 38, No. 1 sa listahan ng drug personalities ng San Jose police.

Base sa police report, sinalakay ng mga tauhan ng San Jose and Lagonoy Police ang bahay ng isang Jaymar Hara sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Ma Angela A. Arroyo ng RTC San Jose, Camarines Sur.

Naaresto si Hara ngunit pumalag si Abragan. Ayon sa pulisya, pinaputukan ng baril ni Abragan ang raiding team. Napilitang gumanti ng mga alagad ng batas at napatay and suspek.

Na-recover sa bangkay ng suspek ang isang 22-caliber pistol na may limang bala. Nakumpiska naman sa bahay ni Hara ang anim na plastic lighters, isang tooter, aluminum foil at drug paraphernalia. (Ruel Saldico)

comments