Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Hangover match’ lalong umiinit

‘Hangover match’ lalong umiinit

22URCC copy

Malabo pa sa ngayon na magkasundo sina showbiz personalities Baron Geisler at Indie actor Kiko Matos base sa ipinakitang asal ng dalawa sa Philippine Sportwriters’ Association (PSA) forum kahapon sa Shakey’s Malate.

Maghaharap ang dalawa sa isang mixed martial arts bout ng Universal Reality Combat Championship (URCC) sina Matos at Geisler ngayong Sabado sa Valkyrie Night Club.

Una nang nagpakita ng pang-iinis si Geisler nang tanungin sa forum sa pagturo kay Matos para sagutin ang tanong.

“Ladies first,” sabi ni Geisler, na dating sumasabak sa iba’t-ibang torneo sa taekwondo kasama ang kapatid na naging Olympiad na si Donald.

“I was competing before in the old school taekwondo, iyun ba sistema noon na puro bakbakan at hindi na tulad ngayon na point system na,” dagdag pa nito.

Gaya ng inaasahan ay binalikan ni Matos si Geisler na nagbitaw din ng sarili nitong maanghang na salita.

“Sobrang baho ng hininga niya. Amoy putok,” ani Matos.

Halos hindi din nagpaawat si Geisler sa nasabing forum kung saan tinuligsa din nito si URCC founder Alvin Aguilar dahil umano sa pagbibigay nito ng pabor kay Matos nang hayaan ito na mag-ensayo sa URCC-affiliated gym.

“He is a monkey. I’m a human being. I think I’m smarter,” ani Geisler “Sana lang sir Alvin, hindi mo siya binibigyan ng pabor kasi sa gym mo nag-eensayo si Kiko.”

Samantala ilang political detainees ang mabibiyayaan ng tulong sa paghaharap ng dalawa

“Mabibiyayaan ng kikitaan sa laban na ito sina Michael Montaes at ilang political prisoner at detainees na matagal nang naghihirap sa loob ng kulungan dahil sa kanilang ipinaglalaban. Okey lang sa amin na kami ang mabigwasan basta matulungan lang sila na naghihirap kahit wala naman mga kasalanan,” ani ni Geisler.

comments