Home » Entertainment » Timing » Sunshine suing husband

Sunshine suing husband

TILA dragon na bumubuga ng apoy sa matinding galit si Sunshine Dizon dahil sa diumano’y pagtataksil sa kanya ng non-showbiz husband niyang si Timothy Tan. Sa official statement na ipinadala ng huli na lumabas sa PEP, kinumpirma nitong may marital problem sila ni Sunshine.

Ayon kay Timothy, they both tried their best na ma-resolve ang ilang isyu. Napagkasunduan nila ni Sunshine na mag-file ng annulment ng kanilang marriage. Ayon pa kay Timothy, hindi naman niya pababayaan ang obligasyon niya bilang isang ama.

Pero iba ang post ni Sunshine sa kanyang social media account. Walang annulment dahil walang kapatawaran ang ginawa sa kanya ng husband niya. Mukhang desidido ang aktres na magsampa ng kaso dahil gusto niya ng hustisya. “See you both in court,” bahagi ng post ni Sunshine sa kanyang social media account.

Nakakaintriga ang kanyang post na diumano’y kinuha ng husband niya ang hard-earned money niya (Sunshine). “I worked hard on my own to survive this family. You just sat there, did nothing.”

Sa mga interbyu noon kay Sunshine, proud siya sa kanyang husband na aniya’y mabait, supportive, mapagmahal na asawa’t ama. May super market business ito sa Angeles, Pampanga. Dati itong piloto.

Sa post pa ni Sunshine, diumano’y sinira ng husband niya ang buhay ng mga anak nila. She gave him several chances.

Tried her best and gave her all.

Six years nang kasal sina Sunshine at Timothy, blessed with two children, Doreen and Anton, 5 and 4 years old, respectively. How sad na walang forever sa kanilang relasyon.

Hot dad

At forty something, hot dad pa rin si Ian Veneracion na may 17-year-old son na. First year college ito, ayon kay Ian noong nag-guest siya sa “Gandang Gabi Vice.” Non-showbiz ang wife ng dating child actor na unang lumabas sa TV show na “Joey and Son” with Joey de Leon.

Naging miyembro rin si Ian ng defunct youth-oriented show, “That’s Entertainment,” hosted by the late Master Showman, German “Kuya Germs” Moreno. Wala kaming matandaang na-link kay Ian o nagkaroon siya ng showbiz girlfriend.

Kung tama kami, inamin niyang si Pamela (forgot namin ang apelyido) ang long-time non-showbiz girlfriend niya na eventually ay pinakasalan niya.

Tinanong ni Vice Ganda si Ian kung nakailang girlfriend siya, sabi niya, hanggang dating lang siya noon. Pa-affair-affair lang.

Tanong pa ni Vice kung matatanggap ba ni Ian kung may anak siyang bading? Ani Ian, susuportahan niya ito at kung gusto nitong maging fashion designer, pag-aaralin pa niya ito sa isang fashion design school.

’Kaaliw si Vice sa pagpapa-cute niya kay Ian. Kilig-kiligan siya sa kaguwapuhan ng tisoy na aktor. Joke pa ni Vice, ibibili niya ng eroplano si Ian. Private pilot kasi si Ian. “Can we fly together?” pa-cute pa ni Vice kay Ian na isa sa dalawang leading men ni Jodi Sta. Maria sa “The Achy Breaky Hearts.” The other one is Richard Yap. Produced by Star Cinema and directed by Antoinette Jadaone, showing ito on June 29 sa mga sinehan nationwide.

Big challenge

First time ever ni Mark Herras na gumanap ng gay role sa “Conan My Beautician.” Aniya, wala siyang peg in particular dahil marami siyang kaibigang bading na madalas niyang kasama. Nakikita niya kung paano magsalita at kumilos ang mga ito.

Sa CMB, hindi totoong bading ang karakter ni Mark. Kinailangan lang niyang magpanggap dahil sa isang pangyayari sa kanyang buhay. Namasukan siya sa isang beauty parlor at nagpanggap na bading para matanggap siya. Challenge ’yun sa kanya at isang magandang opportunity, ani Mark.

Kapareha niya sa CMB si Megan Young, Miss World 2013. Tampok din sina Betong Sumaya, Jerald Napoles, Boobsie, at iba pa. Hatid ng GMA News TV, mapapanood ang CMB every Sunday at 4:45 p.m. simula June 26. Sa June 27 naman ang pilot telecast ng isa pang bagong show ni Mark, ang “Sa Piling ni Nanay” pagkatapos ng “Makita Kang Muli” sa GMA Afternoon Prime.

Handang ibigay

Tatlong anak pa ang gusto ni Dingdong Dantes sa wife niyang si Marian Rivera. Baby girl ang panganay nila, si Letizia (Zia for short). First time nag-celebrate ng Father’s Day si Dingdong ngayong tatay na rin siya at hindi maipaliwanag na kaligayahan ang naramdaman ng Kapuso Primetime King.

Okey naman kay Marian kahit ilang anak pa ang gusto ng kanyang hubby. Aniya, kahit tumaba pa siya at lumobo ang katawan niya, handa siyang ibigay kung ilang anak ang gusto ni Dingdong.

Samantala, sobrang nag-e-enjoy si Marian sa morning talk show niya, “Yan ang Morning.” Aniya, marami siyang natututunan sa bawat episode. Thankful siya sa mga positive feedback mula sa televiewers. Tutok lang sa YAM, Monday to Friday at 9:30 a.m. sa GMA7.

comments