Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 golf caddies huli sa drug bust

2 golf caddies huli sa drug bust

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Arestado ang dalawang golf caddies matapos makumpiska sa kanila ang P300,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 (PDEA-1) noong Lunes ng gabi sa Barangay Gueset, Dagupan City, Pangasinan.

Sa report na ipinadala kay PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., kinilala ang mga suspek na sina Marlon Quiroz, 31, alyas Robin; at Orlando Palsimon, 49, kapwa nagtatrabaho bilang golf caddie sa isang resort.

Ayon kay PDEA RO1 Regional Director Adrian Alvarino, inaresto ang mga suspek matapos na makatanggap ang police ng impormasyon na isang nagngangalang Robin ang sangkot sa illegal na droga sa kanilang komunidad.

Dalawang PDEA agents na umaktong poseur-buyer ang dumakip kay Quiroz at Palsimon matapos na i-deliver sa kanila ang shabu sa harap ng College Seminary.

Bukod sa shabu, nakumpiska rin sa dalawang suspek ang isang cellular phone at motorsiklong ginamit nila sa kanilang illegal drug trade. (Liezle Basa Iñigo)

comments