Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 8 sugatan sa karambola ng sasakyan

8 sugatan sa karambola ng sasakyan

CITY OF ILAGAN, Isabela – Walong katao ang sugatan sa karam-bola ng walong sasakyan noong Martes sa kahabaan ng national highway na sakop Barangay Alibagu sa lungsod na ito.

Naganap bandang 10:45 a.m. ang banggaan ng mga sasakyan na kinabibilangan ng 10-wheeler truck, dump truck, Ford Everest, Toyota Revo, Hyundai Grace, dalawang passenger jitney, at isang tricycle.

Kinilala ni Supt. Manuel Bringas, police chief dito, ang mga biktima na sina Jackson Co, 55; Rolly Callejo, 54; Jingchelle Assuncion, 24; Anita Placido; Norma Llapitan; Corazon Rafa; at Cynthia Vinarao.

Napinsala ang mga binti ni Jaime Geroy, 57, driver ng truck, ayon sa police report.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na nawalan ng preno ang 10-wheeler truck kung kaya’t bumanga ito sa mga nauunang sasakyan. (Liezle Basa Inigo)

comments