Home » News » News Roundup » Marijuana nasamsam

Marijuana nasamsam

Nasamsam ang pitong kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P35,000 mula sa isang 23 taong gulang na service crew sa Sta. Ana, Manila noong Martes.

Ayon sa Manila Police District, naaresto ang suspect na si Jonathan Hulleza ng Barangay Bahay Toro, Quezon City habang sakay ng jeepney upang ideliver ang marijuana na nakabalot sa apat na kahon sa isang nagngangalang Jonel Co sa Makati City. (Jenny F. Manongdo)

comments