Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Wanted ASG man nadakip

Wanted ASG man nadakip

ZAMBOANGA CITY – Nadakip ng mga pulis ang kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na matagal nang pinagha-hanap dahil sa kasong kidnapping dito sa lungsod noong Martes.

Kinilala ni Senior Inspector Elmer P. Solon, Culianan Police Station chief, and naarestong ASG member na si Usman Atalad, 46, tindero ng prutas, mula sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Solon, si Atalad na kilala rin sa mga alyas na Suhud Limaya and Hud ay kasalukuyang naninirahan sa Don Basilio Navaro Street, Barangay San Jose Cawa-Cawa ng lungsod.

Pinangunahan mismo ni Solon ang pagdakip kay Atalad bandang 12:45 pm, Martes, sa JS Alano Street, Barangay Zone 1.

Sinabi pa ni Solon na dinakip si Atalad sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Leo Jay T. Principe, presiding judge ng Branch 1 ng 9th Judicial Region, Isabela City, Basilan, noong Enero 28,2008 sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Kasalukuyang nakakulong ngayon si Atalad sa Culianan Police Station. (Nonoy E. Lacson)

comments