Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 1 nasawi sa banggaan ng trike, truck

1 nasawi sa banggaan ng trike, truck

ALICIA, ISABELA – Malagim ang naging kamatayan ng isang trike driver nang magliyab ang gasoline tank ng minamaneho niyang tricycle matapos itong salpukin ng isang Isuzu truck sa Barangay M.H. del Pilar ng bayang ito.

Kinilala ng police ang nasawi na si Cesar B. Merciales, residente ng Minante 1, Cauayan City, Isabela. Inaresto ng awtoridad si Edgar Arnate , 44, driver ng truck na nakabangga sa tricycle ng biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Merciales ang tricycle sa kahabaan ng Maharlika Highway bandang 10:30 p.m. nang mabangga ito ng paparating na truck ni Amante.

Sa sobrang lakas ng pagkabangga, nagliyab ang tangke ng gasoline ng tricycle at nasunog ito kasama ang driver. (Liezle Basa Iñigo)

comments