Home » Entertainment » Aiza denies Duterte appointment

Aiza denies Duterte appointment

AIZA Seguerra

SA isang interbyu, itinanggi ni Aiza Seguerra na itinalaga siya ni President-elect Rodrigo Duterte bilang Commissioner of Arts and Culture.

Ayon kay Aiza, nagpunta sila ng “wife” niyang si Liza Diño kamakailan sa Davao para sa isang informal meeting with Duterte. Humingi lang daw ito ng tulong para sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ayon pa kay Aiza, may mga isinasagawang consultations ang iba’t ibang cultural workers at miyembro ng academe.

Nagsasagawa ng draft para sa isang consolidated at komprehensibong agenda na ipi-present nila kay President-elect Duterte.

Bilang isang avid supporter ng incoming president at bilang isang alagad ng sining, gusto lang ni Aiza makatulong sa abot ng kanyang kapasidad para sa pagbabago ng incoming Duterte administration. She stressed na wala siyang personal agenda.

comments