Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Binata dedo sa Cavite road crash

Binata dedo sa Cavite road crash

DASMARIÑAS, Cavite – Nasawi ang isang binata habang isa pa ang sugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Barangay San Agustin I, Miyerkules ng gabi Kinilala ni PO3 Jesus R. Bae, may hawak ng kaso, ang namatay na biktima na si Hexiquel Xander Miranda, 22, motorcycle driver at residente ng Barangay Sabang, Dasmariñas.

Sugatan naman si Regalla Esparagoza, 36, driver ng motorsiklo na nakabanggaan ni Miranda. Dead on arrival si Miranda sa De La Salle University Medical Center dahil sa matinding pinsala sa katawan. Dinala rin si Esparagoza sa naturang ospital para lapatan ng lunas.

Ayon kay Bae, naganap ang aksidente habang minamaneho ni Miranda at Esparagoza and kani-kanilang motorsiklo na pawang walang plaka sa highway bandang 8:45 p.m., Miyerkules.

Napag-alaman na nag-counter flow and motorsiklo ni Miranda at aksidenteng nasagi ang jeepney na hawak ng isang Ely Dominador Gonzales bago pa ito sumalpok sa motorsiklo ni Esparagoza. (Anthony Giron)

comments