Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Cafgu man patay sa ambush

Cafgu man patay sa ambush

BUTUAN CITY – Patay ang isang miyembro ng Cafgu Active Auxiliary (CAA) habang sugatan naman ang kanyang kasamahan nang tambangan sila ng armadong grupo habang bumibiyahe para kumuha ng food supplies nitong Martes ng gabi sa Purok 7 Cristory, Paradise Embac, Paquibato District, Davao City.

Kinilala ni Capt. Rhyan B. Batchar, pinuno ng Public Affairs Office (PAO) ng Southern Mindanao 10th Infantry (Agila) Division ng Philippine Army, na si CAA member Mansarok Imbac, nakatalaga sa Guinubatan CAA Detachment sa Paquibato District.

Malubhang nasugatan naman si CAA Ruel Salangoy sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na naganap bandang 6 p.m., Martes.

Ayon kay Batchar, nakasakay ang dalawang biktima sa isang motorsiklo patungong Paradise Emback para kumuha ng kanilang pagkain nang harangin at pagbabarilin ng mga di kilalang kalalakihan.

Dead on arrival si Mansarok sa ospital dahil sa tama ng mga bala sa katawan, pahayag ni Batchar. Mariing kinondena ni Major General Rafael Valencia, commanding general ng 10th ID, ang walang kalaban-labang pagpatay sa dalawang biktima na walang dalang armas nang atakihin ng armadong grupo. (Mike U. Crismundo)

comments