Home » Sports » Huling hirit ni Richie

Huling hirit ni Richie

Hiniling ni outgoing Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na sana ay ipagpapatuloy pa ng kanyang makakapalit sa puwesto na nauna nang naging lider ng ahensiya na si William “Butch” Ramirez ang mga isinasagawa nito na mga programa sa susunod na anim na taon.

Sinabi mismo ni Garcia, na nakatakdang makaharap si Ramirez sa Martes para sa opisyal naman na pag-turn over ng liderato ng ahensiya, na malaking tulong sa pagpapalakas ng grassroots sports at paghahanap ng mga bagong atleta ng bansa ang ilan sa isinaimplementa nitong programa sa nakalipas na anim na taon.

“We hope that the coming administration would continue with the Batang Pinoy, the PNG as well some other projects like the Laro’t-Saya sa Parke where young athletes had been discovered and are now reaping medals in major local tournaments,” sabi ni Garcia. (Angie Oredo)

comments