Home » News » Headlines » Isa pang biktima ng van rapist lumutang

Isa pang biktima ng van rapist lumutang

Isa pa umanong biktima ni Wilfredo Lorenzo, driver ng colorum van na kung saan hinalay ang dalawang babaeng pasahero kamakailan sa Quezon City, ang lumutang kahapon at ikinuwento ang sinapit sa kamay ng suspek sa mga pulis.

Nagharap ang biktima, 23, at ang suspek na residente ng Rodriguez, Rizal sa Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit sa Camp Karingal, Quezon City.

Positibong kinilala ng biktima ang 36 taong gulang na suspek na siyang nagnakaw at gumahasa sa kanya habang sakay ng taxi noong Abril 5.

Ayon kay Senior Supt. Joselito Esquivel Jr., QCPD Deputy District Director for Operations, may ibang kasabwat si Lorenzo sa insidente at hindi si Alfie Turado, alias “Buddy,” na nabaril at namatay pagkatapos agawin umano ang baril ng kanyang police escort noong Hunyo 17.

Nakilala at naaresto ang kasama ni Lorenzo na si Rey Diaz, 46, isang taxi driver at residente ng Marilao, Bulacan.

Itinanggi ni Diaz na kasabwat niya si Lorenzo. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments