Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jolo reveals breakup with Jodi was mutual decision

Jolo reveals breakup with Jodi was mutual decision

Ian, Jodi, Richard

MATAPOS umamin ni Jodi Sta. Maria sa “Tonight with Boy Abunda” na break na sila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla, curious ang publiko kung ano’ng dahilan at kung kailan sila nag-break. Hindi na kasi inalam ni Boy Abunda kung bakit at kung kailan naghiwalay sina Jodi at VG Jolo. Friends pa rin sila, ani Jodi.

Kinumpirma naman ni VG Jolo sa panayam sa kanya ng PEP na break na sila ni Jodi. Mutual decision daw nila ’yun.

Hindi rin nagbigay ng detalye si VG Jolo at aniya, magpo-focus muna siya sa kanyang pagsisilbi sa mga kababayan niya sa Cavite.

Sa presscon ng “The Achy Breaky Hearts,” hindi naman mukhang heartbroken si Jodi. Ang ganda ng aura niya at panay ang bungisngis nito. Napapagitnaan siya sa upuan nina Richard Yap at Ian Veneracion na leading men niya sa naturang movie ng Star Cinema.

Tinanong ang tatlo kung halimbawa ba raw na wala silang real-life partners, sumagi kaya sa isip nila na ma-develop o ma-fall sila sa isa’t isa? Sabi ni Jodi, umpisa pa lamang ay alam na niya ang boundaries na parehong married men na sina Ian at Richard. Hanggang screen lang ang pampakilig nila, pero off-camera, hindi siya kinikilig kina Ian at Richard, ayon kay Jodi.

Ayaw gawing No. 2

Sabi naman ni Ian Veneracion, as an actor, may posibilidad na ma-fall siya kay Jodi. “It’s not hard to fall in love with her,” he said. “We can talk about everything, anything, mga personal stuff. Nagkukulitan kami. We can call each other anytime.”

Ayon naman kay Richard Yap, lovable person si Jodi. Mabait, maganda at masarap alagaan. “Ayoko siyang gawing Number 2 (laughs),” aniya. Noong ginagawa raw nila ang morning series na “Be Careful with my Heart” ay marami ang may gustong ligawan niya si Jodi.

Dream team ang pagsasama nina Jodi, Ian at Richard sa “The Achy Breaky Hearts,” mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone. Modern love story ito at for sure, marami ang makaka-relate sa karakter nina Jodi, Ian at Richard. May mga hugot lines at ibang klaseng kilig moments dito. Ayon kay direk Antoinette, parang 16 years old ang dating ng tatlong lead stars niya.

Showing ang “The Achy Breaky Hearts” on June 29 sa mga sinehan nationwide. May premiere night on June 28 sa SM Cinema 7 at 7 p.m.

Parenting

Tungkol sa pagpapalaki sa mga anak ang pag-uusapan ngayon sa “Yan ang Morning.” Guests sina Snooky Serna at Maricel Laxa-Pangilinan at ibabahagi nila ang paraan ng pagpapalaki nila sa kani-kanilang mga anak.

May dalawang teenaged daughters si Snooky sa ex-husband niyang si Ricardo Cepeda. Lima naman ang anak ni Maricel sa husband niyang Anthony Pangilinan. May matututunan na naman ang studio audience, televiewers at ang first time mom, YAM host na si Marian Rivera. Seven months old na ang first baby nila ni Dingdong Dantes na si Letizia (Zia for short). Tutok lang sa YAM at 9:30 a.m. sa GMA7.

Palalayasin

Sa “Once Again,” makukuha ni Carmen (Chanda Romero) ang tseke worth R1 million mula kay Agnes (Sheryl Cruz).

Malalaman ’yun ni Madel (Jean Garcia) at susumbatan niya, palalayasin sa kanyang bahay ang ina. Ayaw paniwalaan ni JV (Jeric Gonzales) ang panggigiit ni Celeste (Thea Tolentino), ang panloloko nina Aldrin (Aljur Abrenica) at Des (Janine Gutierrez). Makikipag-break si Des kay JC, pero hindi ito papayag. Mahuhuli ni Lukas (Joko Diaz) ang plano ng paglayas ni Agnes sa kanilang bahay. Ikukulong niya ito.

comments