Home » Entertainment » Kiray may boyfriend sa dilim

Kiray may boyfriend sa dilim

Enchong and Kiray

HOW true na may secret boyfriend si Kiray Celis? Ano ’yun, boyfriend sa dilim ang drama? Artistahin daw ang BF ng petite comedienne.

Ayon pa sa sinasabing BF ni Kiray, matagal na sila. Tahimik lang daw sila dahil ayaw nilang magulo o maintriga ang kanilang relasyon.

Aminin kaya ni Kiray na may boyfriend siya? Just curious, bakit kung kailan malapit na ang showing ng “I Love You to Death” at saka umamin ang sinasabing BF ni Kiray? Makatulong kaya ’yun sa magiging box-office results ng launching movie ni Kiray under Regal Entertainment?

Si Enchong Dee ang kapareha ni Kiray sa ILYTD at todo to the max ang kanilang kissing scenes na may hipuan at pisilan pa sila ng puwet. Showing ang ILYTD on July 6 sa mga sinehan nationwide.

comments