Home » News » News Roundup » Pedicab driver sinaksak

Pedicab driver sinaksak

Patay ang isang pedicab driver pagkatapos pagsasaksakin ng lalaking kanyang nakaaway sa isang bus terminal sa Pasay City kahapon.

Ayon sa mga saksi, nagkaroon ng matinding alitan ang biktima na si Francisco Gaquit Jr., 28, walang asawa, at residente ng St. Peter St., Barangay 179, Zone 20, Pasay at ang suspek sa DLTB bus terminal sa EDSA.

Inawat ang dalawa ng mga saksi at bumalik ang biktima sa kanyang pedicab. Lumapit ang suspect sa biktima at sinaksak sa dibdib.

Tumakas ang suspek at dinala ang biktima sa ospital kung saan siya binawian ng buhay. Ang suspek ay tinatayang may tangkad na 4’7”, 25 taong gulang, katamtaman ang pangangatawan, maitim ang balat, at nakasuot ng T-shirt at short pants. Masusing iniimbestigahan ng mga pulis ang kaso. (Martin A. Sadongdong and Jean Fernando)

comments