Home » News » News Roundup » Wanted timbog sa mga parak

Wanted timbog sa mga parak

Bumagsak sa kamay ng mga otoridad si Jocelyn Hernandez, 41, hinihinalang dating miyembro ng Ozamis Robbery Group at fifth most wanted person ng Manila Police District Station 11 sa isang mall sa Quezon City noong Miyerkules.

Si Hernandez ay naaresto sa bisa ng mga warrant of arrest para sa mga kasong robbery with homicide at robbery na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court.

Ang suspek ay naglilingkod umano sa isang kilalang bangko bilang spotter o tumitingin ng mga kahinahinalang kostumer at tumutulong pigilan ang mga holdapan. (Jenny F. Manongdo)

comments