Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 kidnap suspects sumuko

3 kidnap suspects sumuko

CAMP GEN ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan – Tatlong kidnap suspects ang sumuko kay Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., acting Bulacan police director, nitong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Caramat na sumuko sa kanya ang magkapatid na Michael, 57, at Maximo alias “Pula” dela Cruz, 44; at Marcelo Faustino dela Cruz alyas “Magning”, 54, mga residente ng Barangay Buhol Na Mangga, San Ildefonso, Bulacan.

Ayon kay Caramat, may arrest warrants ang tatlong suspek sa kasong kidnapping and serious illegal detention with serious physical injuries na ipinalabas ni Judge Francisco P. Felizmenio ng RTC Branch 19, City of Malolos, noong June 1, 2016.

Sinabi ng mga suspek na kusa silang sumuko matapos silang makatanggap ng impormasyon na pinaghahanap sila ng mga pulis dahil sa arrest warrants laban sa kanila.

Base sa report na nakarating sa Provincial Intelligence Branch, aktibong miyembro ng Civilian Active Auxiliary (CAA) ang magkapatid na Michael at Maximo. Nakakulong ngayon ang tatlong sumuko sa Bulacan Police custodial facility. (Freddie C. Velez)

comments