Home » News » News Roundup » Bigong seaman nagpakamatay

Bigong seaman nagpakamatay

Nagpakamatay umano ang isang 26 taong gulang na seaman na hindi nasama sa mga sasanayin upang makaalis agad patungong ibang bansa sa Ermita, Manila kahapon.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Khem Jalbuna, taga-Iloilo City at tumutuloy sa isang hotel sa Ermita.

Bago ang insidente, nagtangka na umanong magpakamatay ang biktima kahapon ng umaga pero siya ay napigilan ng kanyang mga kaibigan.

Pagkaraan ng ilang oras, tumawag ang biktima sa kanyang ina at nagbuhos ng sama ng loob dahil hindi siya makakaalis agad at gusto na niyang umuwi sa kanila.

Sinunod niyang tinawagan ang kanyang kasintahan at tumalon sa bintana ng hotel habang sila ay nag-uusap. Bumagsak sa kalye ang biktima at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan na agad niyang ikinamatay. (Jenny F. Manongdo)

comments