Home » Entertainment » Camille happy to have second chance at love

Camille happy to have second chance at love

25Camille Prats copy copy

“MATAMIS” kung ilarawan ni Camille Prats ang pagkakaroon niya ng ikalawang pagkakataon sa pag-ibig. Napuno ng lungkot ang Kapuso actress-TV host nang pumanaw ang kanyang asawang si Anthony Linsangan noong 2011. Nagkaroon sila ng isang anak, si Nathan.

Pero muling sumaya ang kanyang puso sa pagdating sa buhay niya ng kanyang businessman fiancé na si VJ Yambao. Naganap ang kanilang engagement noong isang taon, July 18.

“Sabi nga nila love is sweeter the second time around,” sabi ni Camille nang maging guest sila ni Jaya sa GMA morning show na “Yan ang Morning” para sa topic na second chance to love.

May advice ba siya sa mga hindi pa nakikita ang kanilang second chance?

“Doon sa mga hindi pa nila nahahanap ’yung second chance nila sa pag-ibig, siguro dasal. At saka kasi kapag para sa iyo talaga iyon kahit nasa bahay ka lang, nanonood ka lang ng TV, kusang dadating. Hindi ko nga alam na siya na ’yung second chance ko. Kasi kung paano kami nagsimulang mag-usap ni VJ is through Viber.”

Kasalukuyang nagtatrabaho sa America si VJ.

Pagdating naman sa approval ng anak niyang si Nathan, slow process raw ang nangyari. Ipinakilala muna niya si VJ kay Nathan bilang kaibigan through Facetime. Hanggang sa pumunta na sa Pilipinas si VJ at nakilala na ito nang personal ni Nathan.

Dito na raw kinausap ni Camille ang anak niya. “So, unti-unti sinabi ko sa kanya, ‘You know, Tito VJ likes mommy and he wants to be a part of us. He wants to be always there for us. So, do you like him?’

‘Yeah, he’s okay,’ ganun siya. ‘Kasi you know, if we’re going to accept him in our family, kailangan siya na iyon.

Sure ka na ba na you like Tito VJ kasi you can only choose one, hindi na pwedeng magpalit.’ Iyon ang sinabi ko sa kanya. ‘You think about it and you tell me your decision.’ So, mga after a few days, binalikan ako. ‘Mommy, I thought about it and Tito VJ is okay. So we can keep him na forever.’” (GLEN P. SIBONGA)

comments