Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Drug suspect binaril ng kapitbahay

Drug suspect binaril ng kapitbahay

CANDELARIA, Quezon – Isang 34-taong gulang na lalaki na umano’y nasangkot sa drug cases ang binaril at napatay ng kanyang kapitbahay sa Purok VII, Barangay Malabanan Sur, sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Marlon Bacalla Pasuot, alyas Popo, residente ng Lorema Subdivision, Barangay Malabanban Norte.

Kaagad na tumakas ang suspek na nakilala lamang sa pa-ngalang Danilo, nakatira rin sa nasabing lugar. Base sa police report, nakaupo sa sofa ang biktima sa loob ng kanyang bahay bandang 9 p.m. nang biglang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan siya ng baril.

Namatay noon din ang biktima. Nakuha ng mga rumesponding pulis sa loob ng bahay ng biktima ang mga drug paraphernalia.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nasangkot ang biktima sa illegal drug activities sa bayang ito. Nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya para madakip ang salarin. (Danny J. Estacio)

comments