Home » News » News Roundup » Gang member timbog sa Manila

Gang member timbog sa Manila

Nahuli ang isang miyembro ng Batang City Jail na nangikil umano sa isang Amerikano na dating kawani ng World Health Organization Western Pacific Region Office sa Manila noong Hunyo 16.

Ayon sa imbestigasyon, naghihintay ang biktimang si Timothy Arthur O’Leary, 59, ng taxi sa Makati City nang lumapit ang suspek na si Biel Bersamino, 57. Nakisabay ang suspek sa taxi ng biktima papuntang Manila at pinagbantaan umano si O’Leary.

Dinala ang biktima sa San Andres, Manila kung saan hiningan siya ng P3,000 pambili ng bigas ng suspek. Kaagad na iniulat ng biktima ang insidente sa mga pulis at naaresto ang suspek sa isang follow-up operation noong Huwebes. (Jenny F. Manongdo)

comments