Home » News » News Roundup » Katulong natagpuang patay

Katulong natagpuang patay

Natagpuang patay ang isang katulong sa kusina ng bahay ng kanyang amo sa Astoria St., Greenview Subdivision, Barangay Sauyo, Quezon City noong Miyerkules.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Ligaya Colango, 48, walang asawa, at taga-Mindoro.

Ayon sa salaysay ng amo ng biktima, naglilinis sila ng bahay nang magpaalam si Colango na may gagawin lang saglit.

Hindi bumalik ang biktima pagkaraan ng ilang minuto at hinanap siya ng kanyang amo. Nakita ng amo ang biktima na nakahandusay sa kusina at may dugong lumalabas sa kanyang bibig.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay. Walang nakitang anumang bali o sugat sa katawan ng biktima.

Sinabi ng amo na napansin niyang palaging umuubo ang biktima pero hindi niya ito pinansin. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments