Home » News » News Roundup » Lalaki binaril sa Tondo

Lalaki binaril sa Tondo

Sugatan ang isang lalaki sa isang insidente ng pamamaril sa Baseco Compound, Port Area, Tondo, Manila noong Huwebes.

Kinilala ni Supt. Albert Turco Barot, hepe ng Manila Police District Station 5, ang biktima na si Randy Colindres, walang asawa, ng Barangay 649, Block 9 Extension, Baseco Compound.

Ayon kay Barot, naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa Block 9 Extension nang makasalubong nila ang isang lalaki.

Bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang grupo. Tumakbo ang grupo samantalang tumakas ang suspek. Nagtamo ng tama ng bala sa binti ang biktima at dinala sa ospital ng kanyang mga kaibigan.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente at tinutugis na ang suspek. (Analou de Vera)

comments