Home » News » News Roundup » Pulis, pekeng NBI arestado

Pulis, pekeng NBI arestado

Arestado noong Huwebes ang isang retiradong pulis at pekeng undercover agent ng National Bureau of Investigation na gumamit umano ng mga huwad na dokumento upang makapag-loan ng P7 million mula sa isang kooperatiba.

Kinilala ang mga suspek na sina Billy Gamboa at SPO1 Carlos del Rosario. Naaresto ang mga suspek sa isang entrapment operation na isinagawa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region batay sa reklamong isinampa ng kooperatiba na pinapatakbo ng mga aktibo at retiradong pulis at sundalo.

Nasamsam sa mga suspect ang mga pekeng identification cards na may iba’t ibang pangalan na kanila umanong ginamit sa panloloko. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments