Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pulis sa grenade attack pumanaw

Pulis sa grenade attack pumanaw

GENERAL SANTOS CITY – Nagluluksa ngayon ang regional police command dito dahil sa pagpanaw ng isang pulis na nasugatan nang pasabugan ng granada ang isang police station sa Maasim, Sarangani, noong Hunyo 19.

Ayon kay Police Regional Office-12 director Cedrick Train, nakikiramay ang buong hukbo ng pulis ng Region 12 sa pamilya ni PO1 Almasir Tingkasan na namatay nitong Miyerkules habang ginagamot sa ospital dahil sa tinamong shrapnel wounds sa katawan.

Isa si Tingkasan sa anim na pulis at dalawang sibilyan na nasugatan matapos na magpasabog ng granada ang isang di kilalang lalaki sa harapan ng Maasim Police Station noong Linggo ng gabi.

Ang iba pang sugatan ay sina Inspector Danilo Abayata, PO1 Rey Rommel Bedua, PO1 Mark Victor Naya, PO1 Rowell Sobretodo at PO1 Socram Sugod, at dalawang sibilyan na sina Leonardo dela Peña Jethphonie Nabales.

“We strongly condemn the act of violence perpetrated against our men and the people of Maasim,” pahayag ni Train. (Joseph Jubelag)

comments