Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Walang duda sa gender ni Mark

Walang duda sa gender ni Mark

Mark and Megan

ONE hundred one percent sure si Mark Herras na hindi pagdududahan ang kanyang gender dahil sa gay role niya sa “Conan My Beautician.” “Ako pa!” nakangiti niyang sabi sa presscon nito.

Oo naman! Noong teenager pa siya, noted ang “Starstruck” Batch I Ultimate Male Survivor sa pagiging chickboy.

Away-bati sila noon ni Jennylyn Mercado (“Starstruck” Ultimate Female Survivor) dahil sa pagiging chickboy ni Mark. Bukod kay Jen, may iba pang batchmates nila ang naging girlfriend ni Mark. May pinagsabay pa nga siya.

Turning 30 years old na siya sa birthday niya sa Dec. 16 at ani Mark, nagbago na siya since natagpuan niya ang kanyang one true love na si Winwyn Marquez. Two years from now, pakakasalan na niya ito, ani Mark.

Si Megan Young ang kapareha ni Mark sa “Conan My Beautician” at aniya, aliw na aliw siya kay Mark kapag lumalakad ito bilang Conan. Baklang-bakla raw ang pag-walk ng Kapuso actor na mala-beauty queen ang dating. Gayang-gaya raw ni Mark ang pag-walk ng girlfriend nitong si Winwyn.

Itinanggi naman ito ni Mark at aniya, nakita lang niya ang pag-walk ni Winwyn noong nag-join ito sa Binibining Pilipinas 2015.

First time ever ni Mark na magdamit at kumilos na babae with matching make-up and hairstyle.

Aniya, hindi naman siya nahirapan dahil lumaki siya sa dalawang tito niya na parehong bakla. Besides, marami siyang gay friends sa showbiz.

“Challenge sa akin ang gay role, kaya tinanggap ko ang CMB. Thankful ako sa GMA na binigyan ako ng pagkakataong mag-portray ng panibagong role,” saad ni Mark.

This Sunday na ang pilot telecast ng CMB sa GMA7 at 5 p.m.

Big thing

First time ever ni Megan Young gumawa ng isang sitcom. Aniya, wala siyang matandaang ginawa sa kanyang entire career, kaya big thing sa kanya na bahagi siya ng “Conan My Beautician.”

“It’s exciting, it’s fun. Ang gaan sa taping. Masaya ang mga kasama ko,” sambit ni Megan.

Tampok din sa CMB sina Cacai Bautista, Betong Sumaya, Jerald Napoles, Boobsie, Tetay, Vangie Labalan, Jay Manalo, Lotlot de Leon, Chalui Malayao, Antonette Garcia at ang YouTube child sensation na si Balang. Mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.

Malabong ma-link sa isa’t isa sina Mark at Megan dahil pareho na silang “taken.” Sobrang in love si Mark with Winwyn. Open secret naman ang matagal nang boyfriend-girlfriend relationship nina Megan at Mikael Daez. Travel buddies pa sila at kung saan-saang lugar na sila here and abroad nakarating.

First movie

First movie ni Sarah Lahbati ang “The Achy Breaky Hearts” sa Star Cinema. Siya ang ex-girlfriend ni Ian Veneracion.

Ani Sarah, small role lang siya, pero she feels great at isang memorable experience for her na nakatrabaho niya sina Ian, Jodi Sta. Maria, Richard Yap at iba pang miyembro ng cast.

Si Antoinette Jadaone ang director ng “The Achy Breaky Hearts” at aniya, si direk Joyce Bernal ang kanyang idol at mentor.

Kay Bernal siya nagsimula bilang scripwriter. Naging PA din siya, ayon kay Jadaone.

Marami siyang natutunan mula kay direk Joyce. Very cool daw si Bernal at hindi nag-iinit ang ulo.

Magaling si Bernal sa rom/com genre, kaya hindi kataka-takang mahusay rin sa ganitong tema ng pelikula si Jadaone. Patok na patok ang mga hugot line niya sa mga ginagawa niyang pelikula. Magaling din siyang scriptwriter at malaking advantage ’yun kapag siya rin ang direktor.

Aniya, kapag nagkakaroon ng problema sa shoot, agad niyang nagagawan ng paraan kung paano kukunan ang eksena na hindi siya nangangapa.

Umiwas?

Late na ngang dumating si Lotlot de Leon sa presscon ng “Conan My Beautician,” agad din siyang umalis pagkatapos ng Q & A (Question & Answer). Naisip tuloy ng entertainment writers na baka iniwasan ni Lotlot matanong siya tungkol sa diumano’y gap nila ng kanyang mommy Nora Aunor.

May isyu sa mag-ina dahil sa pagtatampo ni Nora sa kanyang mga anak na hindi raw dinadalaw ng mga ito ang kanyang kapatid (Buboy Villamayor) na matagal nang naka-confine sa isang hospital. Lingid sa kanyang kaalaman ay nakadalaw na pala sina Lotlot at Ian de Leon.

In any case, nanay ni Mark Herras ang role ni Lotlot sa CMB.

Mall show

May mall show this Sunday at 5 p.m. sa Robinson’s Novaliches ang “Once Again” stars na sina Janine Gutierrez, Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Analyn Barro at Yasser Marta. Sugod na at makipagsaya sa mga nabanggit na Kapuso stars.

comments