Home » Entertainment » Cacai says she’ll stop running after Ahron

Cacai says she’ll stop running after Ahron

HINDI na hopia o abanger (hoping) si Cacai Bautista kay Ahron Villena. Pa-fall (paasa) lang pala ang huli at naka-block na si Cacai sa social media account ni Ahron.

Na-friend zone ng bonggang-bongga si Cacai. Aniya sa presscon ng “Conan My Beautician,” moving on na siya at hindi na siya naghahabol o nagpapa-cute kay Ahron. Kahit daw gano’n siya (itsura niya), disente siyang babae. Titingnan lang daw na kikay siya, pero malaki ang respeto niya sa sarili at pagpapahalaga sa kanyang dignidad.

Hindi niya ipinipilit ang sarili niya kung ayaw sa kanya ng lalaki. Tama! Natatandaan pa namin ang linya sa isang lumang pelikula, “Lalaki lang ’yan!”

Pero sa “Conan My Beautician,” hahabol-habol si Cacai kay Mark Herras. Sobrang obsessed siya at susundan niya ito kahit saan magpunta. Gagawin niya ang lahat para mapansin siya ni Mark.

comments