Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » King Caloy ginunita

King Caloy ginunita

26caloy copy

Hindi napigilan ng pamilya ni Carlos ‘The Big Difference’ Loyzaga ang maging emosyonal sa naganap na seremoya ng pagreretiro sa No.14 jersey ng kanilang ama kahapon sa pagbubukas ng NCAA Season 92 sa MOA Arena.

Labis na kasiyahan na may bahid din ng kalungkutan ang pamilya Loyzaga sa parangal.

“We would like to extend our sincerest gratitude to the NCAA board of trustees, the executive committee and the NCAA community for the recognition you have bestowed to our father,” pahayag ni Chito Loyzaga, panganay na anak na lalaki ni Loyzaga makaraang matanggap ng commemorative jersey mula kay NCAA president at host San Beda Rector Fr. Aloysius Maranan.

Kasama ni Chito na dumalo sa okasyon ang mga kapatid na sina Bing, Teresa at Joey.

Noon nakaraang Enero lamang yumao si Loyzaga sa edad na 85.

“Our father cherished his years as a student-athlete. He was deeply honored to represent San Beda College on the NCAA court and these were his most memorable years. He also took great pride in being able to serve as an NCAA commissioner and as an NCAA coach,” pagbabahagi ni Chito. (Marivic Awitan)

comments