Home » News » News Roundup » Lalaki minartilyo habang natutulog sa Tondo

Lalaki minartilyo habang natutulog sa Tondo

Ospital ang bagsak ng isang lalaki pagkatapos umano siyang martilyuhin sa ulo habang natutulog sa labas ng kanyang bahay sa Tondo, Manila noong Miyerkules.

Kinilala ni PO3 Chris Noriega, may hawak ng kaso, ang biktima na si Joseph de Ocampo, 36, ng Orani St., Tondo. Ayon kay Noriega, natutulog si De Ocampo ng biglang lumapit ang suspek at kapitbahay na si Jesus Sambajon, 64, at minartilyo sa ulo ang biktima.

Nakita ng mga kapitbahay ang insidente at kaagad na itinawag sa barangay. Naaresto ang suspek ng mga barangay tanod samantalang dinala ang biktima sa ospital kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Nakakulong ang suspek sa Manila Police District Station 7. Hinala ng mga pulis na lumang alitan ang ugat ng insidente. Nahararap sa kasong frustrated murder si Sambajon. (Analou de Vera)

comments