Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » LJ tatalikuran na ang daring roles

LJ tatalikuran na ang daring roles

Lj Reyes

NEVER pinagdudahan ni Megan Young ang gender ng boyfriend niyang si Mikael Daez. Gay role ang ginagampanan ng huli sa “Ismol Family” at kering-carry ni Mikael ang kanyang karakter sa naturang sitcom na napapanood every Sunday sa GMA7.

Ani Megan, naaaliw at natutuwa siya kay Mikael. It never crossed her mind na pagdudahan ang kasarian ng kanyang “special friend.” Confident si Miss World 2013 na lalaking-lalaki si Mikael.

Matipid pa rin si Megan sa pagsasalita kapag ang relasyon nila ni Mikael ang itinatanong. May hesitation pa rin kung diretsang aamin siya or “what you see is what you get” ang drama.

Si Mark Herras na leading man ni Megan sa “Conan My Beautician” ay gay rin ang role. Ani Megan, ayaw niyang pagkumparahin sina Mark at Mikael sa kanilang beki roles. Basta naaaliw siya pareho sa dalawa.

Laugh trip ang bagong sitcom na ito ng GMA7, hatid ng News and Public Affairs na mapapanood every Sunday simula ngayong 5 p.m. Take note na parehong Sunday ang respective sitcoms nina Megan at Mikael. Kailan naman kaya sila pagsasamahin sa isang show ng GMA?

Walang negativity

Magkasunod ang pilot telecast ng dalawang bagong show ni Mark Herras sa GMA7. Ngayong Linggo ang “Conan, My Beautician” at bukas (Lunes) naman ang “Sa Piling ni Nanay.” Mapapanood ito sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Makita Kang Muli.”

Ani Mark, three months siyang walang regular show pagkatapos ng “Little Nanay” with Kris Bernal. Hindi naman siya nainip dahil may mga guesting siya sa iba’t ibang GMA shows.

“Thankful akong patuloy ang tiwala sa akin ng network. Kailangan ko ng trabaho para madali akong makaipon. Balak ko na kasing mag-asawa after two years,” ani Mark.

No one else but his girlfriend Winwyn Marquez ang gusto niyang pakasalan. Ani Mark, natutuwa siyang tanggap ng lahat ang relasyon nila ni Winwyn. Walang negative vibes.

Sobrang ina-appreciate naman ni Winwyn ang suporta at positive feedback sa relasyon nila ni Mark. Thankful siya sa kanyang boyfriend sa mga pahayag nito sa mga interbyu sa magkasunod na presscon ng dalawang bagong TV shows nito.

Panindigan daw sana ni Mark ang sinabi nito na after two years ay magpo-propose na ito ng kasal.

Family dinner

Sighted sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama ang pamilya ni Dennis na nag-dinner sa isang restaurant.

Patunay na very much together pa rin ang dalawang Kapuso stars.

May mga naghihinalang hindi raw kaya nagbabalak na ring magpakasal sina Dennis at Jennylyn? Abang-abang na lang pag may time.

GMA’s pride

Tatlong sunud-sunod ang panalo ng acting awards ng Kapuso stars na sina Jaclyn Jose, Sid Lucero at LJ Reyes.

Tinanghal na best actress sa nakaraang Cannes Film Festival si Jaclyn. Wagi naman bilang best actor si Sid sa isa ring international film festival at si LJ, best actress sa katatapos na Gawad Urian for her performance in “Anino sa Likod ng Buwan.”

Escort ni LJ ang boyfriend niyang si Paolo Contis na sobrang proud sa panalo ng kanyang girlfriend. Daring ang role ni LJ sa pelikulang nagbigay sa kanya ng best actress award. Aniya, last daring role na niya ’yun. Hinala ng marami, baka raw pinagbawalan na siya ni Paolo tumanggap ng daring role.

Sa interbyu kay LJ, ang anak niyang si Aki (father is Paulo Avelino) ang dahilan kaya ayaw na niya ng daring role.

Lumalaki na ito at nakakaintindi na. Besides, ayon kay LJ, isa na siyang Christian, kaya kailangang maging choosy na siya sa mga role na inaalok sa kanya.

Kailan naman kaya mabibigyan ng GMA7 si LJ ng launching project? Parati na lang supporting role ang natotoka sa kanya. Given a break, carry rin ni LJ magbida. Try her!

comments