Home » Entertainment » Richard’s family sanay na sa pagiging heartthrob n’ya

Richard’s family sanay na sa pagiging heartthrob n’ya

Richard YapAMINADO si Richard Yap na very supportive ang asawa niyang si Melody at kanilang mga anak sa kanyang showbiz career.

Sanay na raw ang pamilya niya sa pagiging heartthrob niya. Never daw nagselos ang mga ito sa mga fans o maging sa leading lady niya.

“Nasanay na rin sila. Kasi every time we go out may magpapa-picture, ganun, sila na ang mag-o-offer (kumuha), ‘O sige ako na.’ Very supportive sila kasi sila ’yung nag-push sa akin. Hindi naman sa nag-push, kasi pumayag sila na pumasok ako sa showbiz. I asked their permission,” sabi ni Richard nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

Twenty-three years nang kasal si Richard sa kanyang asawa. Ano pa ang ginagawa niya para maging heartthrob siya sa mata ni Melody at mapakilig niya ito? “Siyempre, everyday you have to tell her that you love her. Minsan ite-text mo, minsan sasabihin mo. Minsan hindi mo papansinin ng isang buong araw, tapos pag-uwi mo at saka mo sasabihin. Parang magpapa-miss ka lang,” ani Richard.

Sigurado raw na susuportahan ng kanyang family ang latest movie niya under Star Cinema kasama sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion, ang “The Achy Breaky Hearts,” na ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa June 29.
(GLEN SIBONGA)

comments