Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 drug suspects ‘sinalvage’

2 drug suspects ‘sinalvage’

MARIVELES, Bataan – Dalawang pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Zigzag Road ng Barangay Malaya ng bayang ito bandang 9:15 a.m., nitong Sabado.

Ayon kay Supt. Crizalde Conde, police chief, parehong nakagapos ang mga kamay at paa ng dalawang bangkay ng lalaki nang matagpuan sa daan ng isang residente ng naturang lugar.

Ayon sa police report, pawang nakabalot ang dalawang bangkay ng kumot. Isa sa mga biktima ay nakasuot ng puting six-pocket short pants, dilaw na t-shirt at mayroong tattoo ng barbwire sa braso.

Isang helmet din ang nakitang nakapaloob sa kumot. Ang isa pang biktima ay nakasuot ng puting t-shirt at gray six-pocket short pants, at may “basto” tattoo mark sa ibabang bahagi ng tiyan.

Nakita malapit sa kanilang bangkay ang isang piraso ng papel na may nakasulat na “WAG AKO TULARAN PUSHER AKO.”
(Mar T. Supnad)

comments