Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » 6 laglag sa ‘One-Time, Big Time’

6 laglag sa ‘One-Time, Big Time’

Anim na suspek ang laglag sa “One Time, Big Time” operation na inilatag ng Manila Police District-Meisic Police Station noong Sabado ng umaga sa Manila.

Arestado sina Jeffrey Sagara, Julie Resurrecion, Reynaldo de Leon, Tonton Balasab, Mark Anthony Dinla, at Jerry Gandansyal habang gagala-gala sa Binondo.

Nakuha buhat kay Sagara ang apat na transparent sachet na may laman na hinihinalang marijuana leaves habang tig-dalawang sachets naman at ilang mga drug paraphernalia ang nakuha sa iba pang suspek.

Kapwa nahaharap ang anim sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. Samantala, 69 na iba pa ang inaresto ng pulisya sa ilalim ng parehong operasyon kung saan karamihan ay may naging paglabag sa ilang mga city ordinances kabilang na ang curfew sa mga minors, pag-inom sa public places, at paglalakad ng walang damit.

Dalawampu’t isang mga kabataan naman ang na-rescue sa nasabing operasyon sa San Nicolas, Plaza Lacson, Plaza Ruiz, Sta. Cruz Church, Avenida, Escolta, Soler St., at Juan Luna.

comments