Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Drug pushers, users sumuko

Drug pushers, users sumuko

BUTUAN CITY – Dahil sa takot na mapatay o maaresto sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa illegal drugs, marami pang drug pushers at users ang sunod-sunod na sumuko sa kani-kanilang barangay officials sa lungsod na ito.

Sa kanilang pinirmahang oath of commitment, nangako ang mga sumuko na ititigil na nila ang paggamit or pagbebenta ng bawal na droga.

Kahapon lamang, 25 drug personalities ang sumuko kay Barangay Chairman Cesar Verdadera ng Barangay Obrero. Noong nakaraang Biyernes, 16 na iba pa, kasama ang kanilang mga magulang, ang nagpakita sa opisina ni Chairman Vincent Rizal C. Rosario ng Barangay Libertad, at nangako na iiwasan na bawal na gamot.

Nasa edad na 16 hanggang 55 ang mga sumukong drug suspects sa Barangay Libertad at Obrero, ayon sa pulisya.
(Mike U. Crismundo)

comments