Home » Entertainment » Judy Ann speaks up for Sarah in ‘pregnant’ issue

Judy Ann speaks up for Sarah in ‘pregnant’ issue

by Glen P. Sibonga

Judy Ann Santos

Judy Ann Santos

Kabilang si Judy Ann Santos sa mga nagtanggol kay Sarah Geronimo tungkol sa isyung buntis ito diumano.

Kumalat ang tsismis na umano’y buntis ang aktres nang magsabi ito na magpapahinga sa ibang bansa ng dalawang buwan. Pero itinanggi na rin ng manager ng singer-actress nasi Vic del Rosario na buntis ito.

“Magpapahinga lang, buntis na? Bakit naman gano’n? Hindi pwedeng gusto lang magpahinga tapos gustong mag-aral? Hindi ba puwedeng isipin munang positive ‘yung gustong gawing pagpapahinga ni bagets? Although hindi ko sinasabing hindi positive ang pagbubuntis. It’s just that huwag natin pangunahan ‘yung bata,” sabi ni Juday sa interview ng push.com.ph.

Naging magkaibigan sina Juday at Sarah nang gawin nila ang 2010 movie na “Hating Kapatid”. Matagal na nga raw pinapayuhan ni Juday si Sarah na maglaan ng oras para sa sarili at sa pahinga dahil nakikita niya kung gaano ito kasigasig sa pagtatrabaho.

“Deserve niya ‘yun kasi grabe siya magtrabaho. Bilang tao, kailangan nating nagpapahinga, hanapin natin ang sarili natin. Sana ibigay natin sa kanya ‘yun na hindi siya hinuhusgahan,” ayon pa kay Juday.

Samantala, balik sa pag-arte si Juday sa pamamagitan ng indie movie na “Kusina,” na entry sa 2016 Cinemalaya Film Festival.

comments