Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Naningil ng utang sinaksak

Naningil ng utang sinaksak

Pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang isang lalaki na naniningil lamang ng utang kahapon sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Ang biktima na si Rupert Dominic Callata ng West Ave., Barangay West Triangle, Quezon City ay pinagtulungan umano ng apat na suspek na kinilalang sina Antonio Gallardo, 48; Antolin Mandap Jr., 38; Arnold Mandap, 40; at Agapito Rufa, 51, mga residente ng Apollo St., Barangay Tandang Sora.

Ayon sa mga imbestigador, pinuntahan ni Callata si Mandap kasama ang kaniyang anak upang singilin sa kaniyang utang. Sa hindi pa madeterminang dahilan ay pinalo ng tubo ng isa sa mga suspek ang biktima na ikinawala nito ng malay. Dito na walang-awang pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima hanggang sa matiyak na patay na ito.

Isa-isang tumakas ang mga suspek, dahilan para makatakbo ang anak ng biktima at makapagsumbong sa pulisya. Nadakip naman si Gallardo sa isang follow-up operation na ginawa ng pulisya. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments