Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » P150-M shabu nakumpiska sa village chief, 3 kasama

P150-M shabu nakumpiska sa village chief, 3 kasama

Tuguegarao City, Cagayan – Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP), Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P150 milyong halaga ng shabu mula sa isang barangay chairman at tatlo pang hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Claveria, Cagayan, noong nakaraang Huwebes.

Kinalala ni Chief Supt. Ranier Q. Idio, Police Regional Office 2 (PRO2) director, ang mga naaresto na sina Victor Tumaneng, barangay chairman ng Centro 4; Edgardo Almasan, Alfredo Salbusa at Roger Cainguitan, mga residente ng Barangay Dibailo, Claveria. Tinatayang nasa 30 kilo ng shabu ang nakuha sa apat na suspek. (Liezle Basa Iñigo)

comments