Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Van ng pintura tinangay

Van ng pintura tinangay

Tinangay umano ang isang van na may lamang pintura, elastometric sealants, at rugby na nagkakahalaga ng P450,000 ng limang armadong lalaki sa Quezon City noong Sabado.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Station 1, papunta ang van na pagaari ng Kings View Multi-Sales Enterprise at may plakang WTS-507 sa Don Enrique Heights, Commonwealth Ave., Quezon City upang ihatid ang kargamento na pagaari ni Samson Ko ng Boysen Paints sa Mauban St., Barangay Manresa, Quezon City nang ito ay haranging ng mga suspek na sakay ng isang itim na Honda Jazz sa Sto. Domingo St., Barangay Sto. Domingo.

Bumaba ang driver at naiwan ang kanyang mga pahinante na pinababa at tinalian at piniringan ng mga suspek. Tumakas ang mga suspek dala ang van at ibinaba ang dalawang pahinante sa Manahan St., Barangay Payatas, Quezon City. Unang iniulat ang insidente sa QCPD Station 6 bago hinawakan ng QCPD Station 1. (Francis T. Wakefield)

comments