Home » News » News Roundup » 5 tulak ng shabu natimbog

5 tulak ng shabu natimbog

Limang hinihinalang tulak ng shabu ang inaresto ng mga barangay tanod sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ng Quezon City Police District Station 6 ang mga suspek na sina Noenila Ramirez, Mark Jery Carida, Joven Carida, Norman Fortes, at Angelito Pobe.

Nakatanggap ng tawag ang mga tanod na may nagaganap na bentahan ng shabu sa Makisig St., Barangay Commonwealth.

Pinuntahan ng mga tanod ang lugar at nakita ang mga suspek na nagbebenta ng hinihinalang shabu.

Inaresto ang mga suspek at nasamsam sa kanila ang limang plastic sachets ng shabu. Dinala ang mga suspek sa QCPD Station kung saan sila nakadetain.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspect. (Francis T. Wakefield)

comments