Home » Entertainment » Timing » Jennylyn humihingi ng increase sa talent fee

Jennylyn humihingi ng increase sa talent fee

LAST May this year pa nag-expire ang kontrata ni Jennylyn Mercado sa GMA Network. Matatapos na ang buwan ng June, pero wala pa ring balita kung magre-renew o lilipat na sa ibang network si Jennylyn.

’Heard, tila may mga bagay-bagay pang inaayos ang Kapuso Network at ang management company ni Jennylyn. May tsikang diumano’y nagpapataas ng talent fee ang kampo ng aktres. Deserve naman daw ’yun ni Jennylyn dahil bukod sa homegrown talent siya ng GMA, loyal Kapuso siya all these years.

How true kaya na diumano’y may magandang offer kay Jennylyn ang ABS-CBN? Sa mga lumabas na interbyu noon kay Jennylyn, may pahayag siyang gusto niyang manatiling Kapuso. Abang-abang na lang sa magiging final decision ng management company ni Jennylyn.

Isyu na naman

Hala, may bago na naming isyu kina Marian Rivera at Heart Evangelista. May lumabas na balitang diumano’y magkapareho sila ng nabiling Hermes bag worth P20 million or more. Ay, grabe sila!

Halaga na ’yun ng isang bonggang-bonggang bahay o ilang brand-new cars ang katumbas nu’n.

Sa magkahiwalay na post ng pictures nina Marian at Heart sa social media, nakitang pareho silang may bitbit na magkaparehong super expensive bags na only the rich and famous can afford.

Hindi lang once but twice nang nagkapareho sina Marian at Heart. Una ’yung pareho sila ng isang sosyal na branded na damit na may floral design. Naging isyu ’yun nang i-post nila ang kanilang respective photos sa social media. Ibig bang sabihin, pareho talaga ng taste sa dress at bag sina Marian at Heart? O, nagkakataon lang?

Ano kaya ang susunod na magkaparehong bagay o gamit ang dalawang Kapuso stars?

Anyway, kung kinagigiliwan ang kikay role ni Heart bilang Happy sa “Juan Happy Love Story,” tanggap naman ang pagiging host ni Marian sa “Yan ang Morning.” Good vibes ang hatid ng kanyang morning talk show sa televiewers. Tutok lang sa YAM everyday (Monday to Friday) at 9:30 a.m. sa GMA.

Kailan kaya magge-guest si Heart? Or, malabong mangyari ’yun?

Matuloy kaya?

By this time, nakabalik na ng Pilipinas si Kris Aquino and her two sons, Joshua and Bimby. Two months silang nagbakasyon grande abroad.

May tsikang diumano’y magge-guest si Kris sa “Yan ang Morning.” Because of Marian Rivera’s husband, Dingdong Dantes.

Naging open kasi ang actor sa pagsuporta sa kandidatura ni Vice President-elect Leni Robredo na inendorso ni Kris.

Sinuportahan din ni Marian si Robredo. Magandang abangan kung matutuloy ang guesting ni Kris sa YAM. ’Yun ay kung walang kokontra.

Inaabangan din kung pipirmang muli ng kontrata si Kris sa ABS-CBN. Is it true, nagpapataas diumano si Kris ng talent fee? Or else, babalik na siya sa GMA7 na una niyang home studio?

Remember, unang lumabas si Kris sa Sunday musical variety show hosted by the late German “Kuya Germs” Moreno. Hindi malilimutan ang epic fall ni Kris sa stage. Sa GMA rin ang unang showbiz talk show ni Kris with Boy Abunda.

If ever (if lang ha?) lumipat si Kris sa GMA, welcome kaya ’yun kay Ai-Ai de las Alas?

Going strong

Sabi na nga ba, sooner or later, may palulutanging tsika na diumano’y nagkakalabuan na ang relasyon nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Umeere na kasi ang teleserye ni Elmo na si Janella Salvador ang kanyang kapareha.

Kesyo, nagkakahulugan na raw ng loob sa isa’t isa sina Elmo at Janella. Noong presscon ng kanilang teleserye, naging honest si Elmo at buong ningning na sinabi niyang in a relationship siya.

Kapag iniinterbyu naman si Janine, sinasabi niyang going strong ang relasyon nila ni Elmo. Wa epek ang paandar o pa-fall ni Aljur Abrenica na leading man ni Janine sa “Once Again” na kapag type niya ang isang girl ay liligawan niya kahit may boyfriend na ito.

In any case, mamaya sa “Once Again,” makikita ang obsession ni Lukas (Joko Diaz) kay Des (Janine). Hindi niya paaalisin sina Des at Agnes (Sheryl Cruz). Malalaman ni Des kung bakit nag-away sina Agnes at Lukas. Magugulat siya nang ipakita ni Agnes ang larawan ni Reign na may pangalang Reign.

Tutok lang sa mga kaganapan sa “Once Again” pagkatapos ng “Poor Señorita” sa GMA Telebabad.

comments