Home » News » News Roundup » May utang sa kuryente sinaksak

May utang sa kuryente sinaksak

Sinaksak umano ng isang barangay tanod ang kanyang kasera na hindi nakapagbayad ng kuryente sa Pasay City noong Linggo.

Kinilala ng Pasay police ang biktima na si Leonardio Betonio, 36, ng Park Ave., Barangay 81, Zone 10.

Ayon sa imbestigasyon, siningil ng suspek na si Marcelino Nalupa III ang biktima pero hindi siya nakapagbayad dahil wala pa siyang pera at sinabing bumalik siya kinabukasan.

Nagkaroon ng alitan ang dalawa at pinalo ng suspek ang biktima sa ulo ng bote at sinaksak ng icepick. Dinala ang biktima sa ospital samantalang naaresto ang suspek. (Martin A. Sadongdong)

comments