Home » News » News Roundup » Parak binugbog ng 2 lalaki

Parak binugbog ng 2 lalaki

Pasa ang inabot sa katawan ng isang 25 taong na pulis pagkatapos umano siyang bugbugin sa Quezon City noong Linggo.

Kinilala ng Quezon City Police District Station 4 ang biktima na si PO1 Josefino Estacio II, walang asawa, residente ng Guyabano St., Pangarap Village, Quezon City, at nakatalaga sa Northern Police District.

Pauwi ang biktima sakay ng motorsiklo nang siya ay harangin ng dalawang lalaking tinatayang 40 at 20 taong gulang lulan ng maroon Toyota Tamaraw FX (ULS-932) sa Quirino Highway, Barangay Gulod, malapit sa isang ospital at mami house.

Bumaba ang mga suspek na armado ng patalim at brass knuckles at binugbog ang biktima. Tinangkang saksakin ng isa sa mga suspek ang biktima pero nagpakilala siyang pulis.

Tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang sasakyan samantalang pumunta sa ospital ang biktima upang magpagamot. (Francis T. Wakefield)

comments