Home » News » News Roundup » Pulis nahuli sa buy bust

Pulis nahuli sa buy bust

Nahuli ang isang pulis sa isang buy bust operation sa Tondo, Manila noong Linggo. Kinilala ang suspek na si PO1 Mark John Azarcon, nakatalaga sa Obando, Bulacan police drug enforcement unit, at residente ng Hermosa St., Tondo.

Ayon kay Manila Police District Station 1 commander Supt. Redentor Ulsano, naaresto ang suspek pagkatapos magbenta ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P30,000 sa isang police poseur-buyer sa bahay ni Percy Tiatco sa kanto ng Yakal St. at Tecson St., Barangay 256, na isa umanong drug den.

Naaresto din ang dalawang lalaki, sina Reynaldo Discipulo, ng Yakal St., Barangay 255, Tondo, at Fidelito Doctolero, alias “Tonton,” ng Tayuman, Tondo, habang gumagamit umano ng shabu sa naturang bahay.

Napagalaman na ang suspek ay Absent Without Official Leave simula pa noong Marso 31 and may kasong paglabag ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
(Jenny F. Manongdo)

comments