Home » Entertainment » Sunshine faces tough marital battle ahead

Sunshine faces tough marital battle ahead

28sunshine dizon copy copy

Pinagbawalan na ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon na magbigay ng anumang detalye sa paghain niya ng demanda laban sa kanyang mister na si Timothy Tan na inakusahan niya nang pagkakaroon ng extramarital affair.

Pero nagawa pa rin na magpasalamat ni Sunshine sa suportang natatanggap niya mula sa maraming netizens sa social media.

Noong magsalita na nga siya tungkol sa nagaganap sa relasyon nilang mag-asawa, marami ang humanga kay Sunshine dahil pinaglaban nito ang kanyang pagiging isang asawa at pagiging isang ina.

Ang pinakaimportante ay pinaglaban nito ang kanyang pagiging isang babae.

Hindi nga raw madali ang mga pinagdaanan ng aktres nitong mga nakaraang araw kaya humihingi siya ng unawa mula sa ibang mga tao lalo na ang mga humihiling ng updates sa kanya.

Nangako ang aktres na mapagbibigyan niya ang hiling ng mga ito sa tamang panahon.

“Please bear with me in this difficult situation as I am preparing for battle.

“Hindi ko po ipagkakait sa inyo ang mga mangyayari sa buhay ko at sa pinaglalaban ko legally.

“Makakaasa po kayo na magsasalita ako ng katotohanan lamang sa tamang panahon,” pakiusap pa ni Sunshine.

Nakilala si Sunshine noon pa man bilang isang fighter. Lalo na ngayon at may pinaglalaban siyang kinabukasan ng kanyang dalawang anak.

“As a wife and mother who uncovered lies, hindi po tama siguro na ako ay manahimik lamang, and I assure everyone that I will finish this legal battle until the end.

“I hope one day my story becomes your story, a story of courage.

“This is not my fight anymore, but also your fight.

“I would like to thank everyone sa lahat ng suporta at pagmamahal na pinaparamdam ninyo sa akin kasama ng mga anak ko.

“Sending out my love and prayers to everyone going through what I’m going through right now.

“Believe you are strong,” pagtapos pa ni Sunshine na mapapanood sa pagbabalik ng telefantasya na “Encantadia” sa GMA-7. (Ruel J. Mendoza)

comments