Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 1 patay sa van-truck collision

1 patay sa van-truck collision

GENERAL TRIAS, Cavite – Patay ang isang lalaki noong Linggo matapos bumangga ang kanyang sinasakyang van sa isang cargo truck sa may palikong parte ng highway sa Baranggay Javalera, ayon sa ulat ng pulis noong Martes.

Kinilala ni PO3 Ramil Valentin Remotin, case investigator, ang biktima na si Alexander Vesoza Bacila, 37, electrician, at nakatira sa Bucal Main Road, Amadeo, Cavite.

Nagtamo ng tama sa ulo at pinsala sa katawan ang biktima, at sinugod sa General Trias Doctors Hospital. Samantala, dinala naman si One Jowely Vinta Baliber, 36, driver ng Dongfeng-brand truck sa presinto.

Ayon kay Remotin, nagbanggaan ang truck at ang Nissan Urvan (NV 350) na minamaneho ni Bacila na parehas na umaandar sa magkabilang panig ng daan sa Crisanto Mendoza De Los Reyes Avenue, alas-3 ng umaga noong Linggo.

Patungo ang sinasakyang van ni Bacila sa Manggahan habang patungong bayan ng Amadeo naman ang truck nang maganap ang aksidente. Dinala ng rescuers si Bacila sa opsital kung saan siya namatay bandang alas-5 ng umaga. (Anthony Giron)

comments