Home » News » News Roundup » 5 inararo ng tow truck

5 inararo ng tow truck

Lima katao ang sugatan matapos sumalpok ang isang tow truck na may hatak na isang bus sa isang hilera ng tindahan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Kinilala sa report na nakarating sa Quezon City Police District (QCPD) Vehicle Traffic Investigation Unit Traffic Sector 5 ang mga biktima na sina Johnrey Lopez Padrinas, 37; Sammy Salude Peguracion, 38; Juvita Padrinas, 43; Angie Gumaan, 58; at Jeralyn Gumaan, na pawang mga residente ng Quezon City.

Ayon kay Police Chief Inspector Narciso A. Cajipe Jr., Traffic Sector 5 commander, binabagtas ng tow truck ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang mawalan ng control ang driver na si Randy Gatan, 34, pagdating nito sa Litex Market.

Dito na isa-isang tinamaan ang mga biktima na pawang mga pedestrian lamang ng pinangyarihan ng aksidente. Kaagad na itinakbo ang mga biktima sa East Avenue Medical Center kung saan ito nilapatan ng lunas habang patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang insidente. (Francis T. Wakefield)

comments